Friday, August 2, 2019

Grammar Review (Balarila): Nouns (Pangngalan)

Grammar Review (Balarila): Nouns (Pangngalan)

For English Grammar, I'll use a public domain source material from 1898 called Primary English Grammar. For the language of the Pilipinas, I may use several books and Wikipedia throughout my study. I use Wikipedia because I notice that grammar and languages have changed for both languages in the 100 years or so since the publications.

THE NOUN.


4. A Noun is the name of a person or of a thing [place, animal, event, idea, state, quality, or action]; as, Mary, Thomas, city, horse ; and Nouns are of several classes.
(1.) A Common Noun is a general name or the name of a class of things ; as, boy, girl, city, country.
(2.) A Proper Noun is a particular name ; as, Lucy, James, London, France. A Proper Noun always begins with a capital letter.
(3.) A Collective Noun is the name of a collection of things ; as, army, flock, pack.
(4.) An Abstract Noun is the name of a quality; as, beauty, length, goodness.

PANGNGALAN.


 (taken from Wikipedia, although I change some of the examples to fit more with the English text above.) I'm also trying to group somewhat similar constructs in both languages. I can't fit them exact, but there is somewhat some similar grammar terms.

Isang panggnalan tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari.

Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.
(1.) Kaurian - Kung minsan, ang pangngalan ay pantangi o pambalana.
(a.) Pantangi - ang pamagat tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: Lucy, James, Joshua, Angelo, Pilipinas, Manila, Malolos, Amerika.
(b.) Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: lalaki, babae, bansa, korporasyon, lungsod, bayan.

(2.) Katuturan - Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangngalan. Maaari itong lansak, basal, o tahas. 
(a.) Lansak (o lansakan) - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan, hukbo, kawan.
(b.) Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay.
(c.) Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain.

(3.) Kongkreto o Di-konkreto - ng mga pangngalan ay maaari ring pangkatin sa kongkreto at di-kongkreto.
(a.) Kongkreto - pangngalang nahahawakan, nakikita, nalalasahan at iba pang nagagamitan ng pandama. Halimbawa: gatas, kapatid, kotse.
(b.) Di-konkreto - pangngalang tumutukoy sa kalagayan o kundisyon. Halimbawa: pagmamahal, gutom, kapayapaan.

Wow! That is fun.

No comments:

Post a Comment